SI Melissa G. ay maraming pangarap sa buhay. May dalawa siyang undergraduate degree, dalawang MA degree at isang PhD. Sa kanyang pagtahak sa ikalawa niyang PhD., nagsimula na siyang ma-stress sa pag-aaral.
Hindi na siya masiyahin. Mas dumadalas ang kanyang pagiging iritable. Isang araw, tinawagan siya ng isang matandang professor. “Melissa,” sabi ng professor. “Nakikita kong hindi ka mapalagay, aburido dahil sa MAs at PhDs. Simple lamang ang ibig sabihin niyan. Pinapatay mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng mga DEGREE na ‘yan!”
Ang abiso ng matalinong professor ay maaaring ihambing sa pagmamalasakit ni Jesus sa napakasipag na si Martha sa gospel ngayong ika-16 na Linggo.
Sobrang problemado si Martha, masyadong abala sa paghahain ng masarap na pagkain. At isang araw ay nasabi na lamang niya na: “Lord, hindi mo manlang ba ako tutulungan sa pag-iwan sa akin ng aking kapatid sa gawaing-bahay? Sabihin mo sa kanya na tulungan niya ako.”
Hindi mo dapat sabihin ‘yon sa Panginoon! Walang duda, ang mga magagaliting babae, kabilang na ang mga “bossy” na madre ay kadalasang tinatawag na “Martha.”
Ngunit sinabi sa kanya ng mapagpasensiyang Panginoon na: “Martha, Martha! You fret and worry about so many things, but just one thing is needed. Mary has chosen the best portion” (Lk 10,41).
Ang pahayag na ito ng Panginoon ay hindi nangangahulugan na hindi niya nirerespeto ang dami ng gawain ni Martha. Sa katunayan, ang Panginoon ang VIP guest ni Martha.
Nang ipagtanggol ni Jesus si Maria, sinamantala niya ang oportunidad na ituro ang napakahalagang mensahe at ito ay ang: we should not neglect the other need which is spiritual. He said it clearly in the Scriptures: “Man does not live by bread alone but by every word that comes from the mouth of God.”
May isang ama na dumalo sa isang parent-teacher meeting, kinausap niya ang mga guro ng kanyang anak. Nanlumo ang ama at nagimulang umiyak.
Nang maging kalmado na siya, humingi siya ng tawad, at sinabing, “Wala na sa poder ko ang aking anak. Ngunit mahal na mahal ko pa rin siya, at gusto kong malaman kung kumusta siya sa kanyang pag-aaral.”
Matapos noon ay ikinuwento ng ama kung paano siya iniwan ng kanyang misis at apat nilang anak. Isa siyang contractor at madalas na nagtatrabaho sa loob ng 16 na oras kada araw. At hindi nagtagal ay napalayo ang loob ng kanyang pamilya sa kanya.
At sinabi ng ama na: “Gusto kong maibigay ang mga pangangailangan ng aking asawa at mga anak. Ngunit dahil sa pagiging abala sa trabaho, nakalimutan kong kailangan din pala nila ako. Ang pagmamahal ko at suporta.”
Sa modernong panahon, matinding kalaban ng pamilya ang trabaho. Higit pa riyan, maaari rin itong maging dahilan upang mawalan tayo ng oras sa Panginoon. (Fr. Bel San Luis, SVD)