volleyball copy

Winalis ng pamosong Elorde Boxing Gym stable ang tatlong international championship sa matikas na pagwawagi nina Jeffrey “The Bull” Arienza, Silvester “Silver” Lopez at Felipe “Crunch Man” Cagobgob, Jr. sa isinagawang Night of Champions nitong Miyerkules ng gabi, sa Music Hall ng SM MOA sa Pasay City.

Ginapi ng 25-anyos na si Arienza si Indonesian Wellem Reyk via technical knockout may 1:29 sa ikalimang round para makopo ang bakanteng WBC Asian Boxing Council Super Lightweight title.

Matikas na nakihamok ang Indonesian fighter sa kaagahan ng round, subalit napitpit siya ni Arienza sa ikalimang round para sa ikasiyam na TKO win ng Pinoy fighter sa kabuuang 15 panalo.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Sinundan ni Lopez, 28, ang ratsada ng kasangga para sa impresibong TKO win sa ikapitong round kontra Danilo “Pitbull” Pena para sa bakanteng WBC ABCO Intercontinental featherweight crown.

“Dapat binilangan na yun ni referee Virgilio Garcia kasi tinamaan ng solid punches si Lopez at muntik nga itong masubsob,”pahayag ni Ericson Asilo, trainer ni Pena patungkol sa first round knockout kay Lopez.

“Tinamaan na yun talaga si Lopez pero hindi pa rin ito binilangan ng referee,” aniya.

Muling napabagsak ni Pena si Lopez sa ikaanim na round, subalit nakabawi ang huli para maibigay ang solid combination na ikinalungayngay ni Pena sa ikapitong round.

Nahila ni Lopez ang karta sa 27 panalo, tampok ang 19 na TKO, may 11 talo at dalawang draw, habang bagsak si Pena, dating Philippine Boxing Federation super bantamweight champion, sa 27-25-4.

“Nahirapan talaga ako sa mga unang rounds kasi malakas talaga ang kalaban. Pero hindi po ako bumigay hanggang sa nakita ko na ang style niya at sinusundot ko na siya ng mga suntok,” pahayag ni Lorez.

Naagaw naman ni Cagobgob, pambato ng Misamis Oriental, ang WBA ABCP flyweight title, nang pabagsakin si Donnie Mabao sa ikaapat na round.