Dumalo ang iba’t ibang opisyal sa 2016 International Conference on Urban Development: Accelerating Resilience and Inclusive Growth ng United States Agency for International Development (USAID) nitong Hulyo 12-13 sa Sofitel Philippines Plaza, Manila.

Naimbitahan bilang plenary speakers sa nasabing pulong ang dalawang opisyal mula sa Bicol, sa pangunguna ng nagpasimuno sa disaster resiliency sa mga lokal na pamahalaan na si Albay Rep. Joey Salceda, gayundin si Vice President Leni Robredo, na bagong talagang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) chairperson.

Nabanggit ng dalawa ang patuloy na progreso ng rehiyon ng Bicol sa urbanisasyon. Inilahad ni Rep. Salceda ang kanyang programang “Albay Green Economy”, na pinaghahandaan ng probinsiya ang mga dumarating na bagyo, na tumitindi bawat taon dahil sa climate change, at ang mabilisang rehabilitasyon nito pagkatapos.

Ibinida naman ni Vice President Robredo ang programang inilunsad ng City Council ng Naga, ang “Kaantabay sa Kauswagan” (o Partners in Development Program) upang maayos ang pagtugon ng lokal na pamahalaan sa mabilis na modernisasyon sa lugar.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Umani ng parangal ang Bicol sa pagiging pinakamabilis sa paglago ng lugar noong 2013, na may 9.4% growth rate sa tulong ng green economy. Kinilala rin ng United Nations ang Albay bilang global model nito sa Climate Change Adaptation (CCA) at Disaster Risk Reduction (DRR). (Christiamarie Lugares)