Aamyendahan ang kasalukuyang Party-List System Act o Republic Act 7491 upang higit na makasunod sa 1987 Constitution ang mga probisyon nito.

Ito ang isinusulong nina AKO BICOL Party-list Reps. Rodel Batocabe, Christopher Co, at Alfredo Gabin, Jr. sa kanilang House Bill 134, na binigyang-diin na hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang mga pagbabago na itinatakda sa RA 7491 kasunod ng interpretasyon ng Supreme Court sa mga kaso ng party-list groups.

Mismong ang batas nito ay may kalabuan umano at malayo sa tunay na layunin ng bigyan ng boses ang mga nasa laylayan ng lipunan at mahihirap na tao.

Sinabi rin ng mga may-akda na ang procedural aspects ng batas ay dapat magkaroon ng ilang pagbabago upang lalong mapasimple ang rehistrasyon para sa party lists, at ang proseso ng diskuwalipikasyon kapag nagkaroon ng mga kaso.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

(Bert de Guzman)