Iminungkahi ni Senator Aquilino Pimentel III na pag-isahin na lamang ang mga batas na may kinalaman sa seguridad ng pagkain at ang pambansang programa pagdating sa pagpapatupad nito.

“The right of the people to adequate food must be protected and kept inviolable always,” ani Pimentel, at ipinagdiinang “many Filipinos are still experiencing hunger.”

Layunin ng panukala na magkaroon ng “Commission on the Right to Adequate Food to enforce the laws relating to food and set specific targets towards the goal of eradicating hunger,” at ito ay nakakabit naman sa Commission on Human Rights (CHR).

Ayon kay Pimentel, ang nakababahala rito ay hindi natin kayang pakainin ang sarili nating mga kababayan.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sinabi pa niya na hindi ito dapat isawalang-bahala dahil sa ulat ng United Nations (UN), isa ang Pilipinas sa mga bansang may mataas na bilang ng malnutrisyon.

Aniya, ang kakapusan sa pagkain ay nasaksihan na rin kamakailan sa Kidapawan kung saan ang ilang magsasaka ang nasawi dahil na rin sa kagutuman.

“Kidapawan incident is a grim reflection of our continued inability to provide food security to our people.” sambit ni Pimentel. (Leonel Abasola)