Posibleng mahirapang makakuha ng abogado ang big-time drug dealers na masasakote ng gobyerno.

Ito ay matapos na manawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kapwa nito law graduates sa San Beda na huwag tumanggap ng kaso sa hanay ng big-time drug dealers.

Sa halip ay ipaubaya na lamang umano sa mga abogadong nagtapos sa University of the Philippines (UP) at Ateneo Law School ang drug-related cases.

“Huwag naman ‘yang mga drug lord. Susmaryosep. Maraming kaso diyan na pakialam mo... ibigay mo doon sa iba. Ibigay mo doon sa taga-U.P pati Ateneo. Baka madale ka pa,” ani Duterte sa idinaos na San Beda College of Law alumni gathering sa Club Filipino noong Huwebes.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Duterte na maging ang mga kaibigan nitong lawyer sa Davao ay hindi tumatanggap ng kliyente na sangkot sa ilegal na droga.

“Ayaw nila kasi alam nila ayaw ko e. So ‘yung mga abugado nila, sa labas. Nothing significant but that was the practice,” pahayag pa ni Duterte na graduate din ng San Beda College of Law. (GENALYN D. KABILING)