Iginiit ni Magdalo party-list Rep. Gary C. Alejano na kailangan ng ahensiya upang matulungan ang bansa sa pagpaplano at paghahanda sa mga emergency o ano mang kalamidad.

“The country, which is ravaged year after year by numerous natural or man-made emergencies, must always be prepared and on the look-out in order to prevent emergencies from intensifying into full-scale disasters,” ani Alejano.

Inakda ni Alejano ang House Bill 108 na may titulong “An Act establishing the Emergency Management Agency (EMA), amending for the purpose R.A. No. 10121, and for other purposes”.

Sa ilalim ng panukalang “Emergency Management Agency Act of 2016”, hahawakan ng Office of the Emergency Management Agency (EMA) ang National Disaster Coordinating Council (NDCC) bilang permanente at full-time na national agency sa ilalim ng Office of the President upang tulungan ang bansa na planuhin at paghandaan ang mga oras ng pangangailangan.

National

Pagreorganisa sa NSC, mahalaga sa pagpapaigting ng seguridad ng PH — Año

Bubuuin ang EMA Secretariat upang pamahalaan ang mga pangaraw-araw na aktibidad. (Bert de Guzman)