ZAMBOANGA CITY – Nasa 55 armadong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG), kasama ang pitong Indonesian na bihag nito ang nagkakampo ngayon sa isang liblib na sitio sa Luuk, Sulu, at sinasabing inaayudahan ng ilang pulitiko sa nabanggit na bayan.

Sinabi kahapon ng isang military source na tumangging pangalanan na dumating sa Luuk ang grupo ng Abu Sayyaf leader na si Alhabsi Misaya, at 55 nitong armadong tauhan, dakong 5:00 ng hapon nitong Huwebes.

Ayon pa sa source, inaayudahan ang grupo ng mga residente at ng ilang pulitiko na nagkakaloob sa kanila ng logistical at intelligence requirements.

Sinabi ng source na nakatuloy ngayon ang grupo ni Misaya sa Sitio Bulagsih sa Luuk, kasama ang pitong Indonesian na bihag ng mga ito.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Matatandaang pinaigting ng militar ang kampanya nito laban sa Abu Sayyaf sa Sulu, sa layuning mapalaya o mailigtas ang mga bihag ng grupo.

Kasabay nito, tatlong tauhan ng Field Artillery Battalion, na iniuugnay sa Marine Battalion Landing Team (MBLT)-10 ang pinagbabaril at napatay nitong Huwebes ng umaga ng mga hinihinalang tauhan ng ASG sa Indanan, Sulu.

(NONOY E. LACSON)