Nakitaan ni Prosecutor Herbert Alvin Sytu, ng Tarlac City Court, ng probable cause para kasuhan ng estafa ang 11 guro na nagsabwatan sa pamemeke ng mga ATM card para makautang sa Tarlac Public School Teachers Association, Inc. (TPSTAI).

Sa tatlong-pahinang resolution na inisyu ni Sytu, sinabing alam nina Daisy Melarpis, Chona Sarmiento, Marie Tortosa, Dulce Ana Figuracion, Ruth Hayagan, Aida Vital, Leila Satira, Jennifer Conge, Marilyn de Chavez, Jesus Casas at Marie Jeanne Ayson, pawang guro sa Rizal, na peke ang kanilang mga isinumiteng ATM card sa TPSTAI bilang collateral para sila ay makautang.

Ayon kay Sytu, batay sa mga isinumiteng ebidensiya at testamento ng mga nasabing guro ay maliwanag na may sabwatan sina Melarpis, Conge at De Chavez bilang mga utak sa krimen, sa iba pang mga guro, para sila ay makautang.

Inihayag ni Socorro Guatlo, Jr., head ng TPSTAI Legal, na may kinahaharap nang kaso sa Manila City Court ang ang naturang mga guro para sa pamemeke ng access devices. (Jun Fabon)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito