Pinayuhan ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang sambayanan na hinay-hinay at kalmado lamang sa pagharap sa pagkapanalo ng Pilipinas laban sa China at sinabing sundin ang “no gloating policy” ng pamahalaan kaugnay pa rin sa usapin hinggil sa West Philippine Sea.

“Tama lang ang posisyon ng Palasyo. After all, the decision had already sent shockwaves throughout the world. So I think it is letting the decision speak for itself. In my view, it did not mute nor magnify it. No need to spin it,” ani Recto.

 Aniya, tama din ang pagiging kalmado ng ‘Pinas kumpara sa ibang bansang sangkot na nagpadala na ng kanilang barko de gyera .

 Kaugnay nito, hinamon naman ni Senator Win Gatchalian si Pangulong Rodrigo Duterte na depensahan ang bansa sa panghihimasok ng China ngayong nananalo na ang Filipino.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

 “Now is not the time to back down in defending our claims against China and other claimants in the West Philippine Sea dispute. We must stay the course and build on this historic victory by continuing the fight for what is rightfully ours through peaceful and legal means,” ani Gatchalian.

   

Sinabi rin ni Recto na tama ang desisyon ng gobyerno na huwag masyadong magpapadala ng kanillang damdamin at igalang ang pagkatalo ng kabilang panig. (Leonel Abasola)