Hulyo 15, 1799 nang natagpuan ni French Captain Pierre-Francois Bouchard ang Rosette Stone malapit sa Rosetta Town, Egypt, sa kalagitnaan ng Egyptian campaign ni Napoleon Bonaparte. Ang bato ay isang black basalt na may sinaunang sulatin.

Sa iregular na hugis nito, ang bato ay may nakaukit na sulatin na nakahayag sa Greek script, Egyptian demotic, at Egyptian hieroglyphics. Gayunman, pare-pareho lamang ang kahulugan ng tatlong script. Dahil sa artifact, mas naintindihan ng mga tao ang hieroglyphics, isang “patay” na lingguwahe.

Ang kautusan para sa Ptolemy III, na inisyu noong 196 B.C., ay nakaukit din sa bato.

Taong 1978, tinalo ni Napoleon ang Egypt, at inutusan nito ang grupo ng mga scholar na mangolekta ng artifacts na kanilang madidiskubre. Noong 1801, natalo ng puwersa ng mga Briton ang kanilang mga kalaban na French, na naging dahilan upang maangkin ng United Kingdom ang Rosetta Stone sa ilalim ng Capitulation of Alexandria.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Unang i-dinisplay ang bato sa British Museum sa London noong 1802.