168597928MC015_Prince_Harry

MAS mabuti nang ligtas kaysa magsisi sa huli! Nagbahagi ng footage si Prince Harry sa Facebook Live sa pagsasailalim niya sa HIV test sa Guys at St. Thomas’ Hospital sa London, noong umaga ng Huwebes.

Nagtungo ang 31-year-old na royal sa kanyang doctor para ipakita kung gaano kadali kumuha ng HIV test. Sinabi niya na bagamay siya’y single, mahalaga pa rin ang pagsasailalim ng test, “whether you’re a man, woman, gay, straight, black, white, whatever, a ginger!”

Inutusan siyang hugasan ang kanyang kamay nang tusukin ang kanyang daliri. Mabilis ang mga resulta at binigyan si Harry ng clean bill of health.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Patuloy na ikinakampanya ng nakababatang kapatid ni Prince William ang mga payak na paraan para magpasuri, aniya, “Why wouldn’t you? It’s a normal test.”

Determinado si Prince Harry na ipagpatuloy ang legacy ng kanyang ina na si Princess Diana laban sa HIV. Ipinahayag niya noong nakaraang buwan ang kanyang plano para makipagtulungan sa mga charity na nakalaan sa HIV awareness at prevention.

“The Prince is now determined to help his generation understand that the battle against the disease has not yet been won and still needs fighting,” sabi ng isang royal spokesperson.

Kamakailan ay laman ng headlines ang mga royal dahil sa kanilang paniniwala laban sa bullying. Noong nakaraang buwan lamang, lumabas si Prince William sa cover ng isang LGBT magazine na Attitude, na gumawa ng kasaysayan bilang unang royal na gumawa nito.

“No one should have to put up with the kind of hate that these young people have endured in their lives,” sabi ng ama na may dalawang anak sa magazine. “The young gay, lesbian and transgender individuals I met through Attitude are truly brave to speak out and to give hope to people who are going through terrible bullying right now.” (ET Online)