Dinalaw ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang kamakalawa, kung saan nag-alok ng dasal ang una para sa ikatatagumpay ng kasalukuyang administrasyon.

Mainit namang tinanggap ni Duterte si Vidal sa Music Room. “Supreme Court Associate Justice Jose Catral Mendoza, who accompanied President Duterte in the courtesy call, said that Cardinal Vidal assured the President that he will pray for him and the country’s success,” ayon sa Radio Television Malacañang (RTVM) hinggil sa pagkikita nina Duterte at Vidal.

Sa video ng RTVM, makikitang nagmano pa si Duterte sa lider ng simbahan at sinabing “your eminence, welcome to Malacañang.” Ang dalawa ay nagdaos din ng closed door meeting.

Magugunita na kamakailan lang binira ni Duterte ang simbahang Katoliko at sinabing ito na ang “most hypocritical institution.” Inakusahan din ni Duterte ang mga bishop na nanghihingi ng pera sa mga pulitiko, umano’y isang uri ng kurapsyon. (Genalyn D. Kabiling)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists