Nakisalo sa liderato ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), habang iniuwi ng Poker King Club ang una nitong panalo sa ginaganap na 2016 Friendship Cup - Para Kay Mike Basketball for a Cause Tournament nitong Miyerkules ng gabi, sa makasaysayang Rizal Memorial Coliseum.

Agad itinala ng PAGCOR ang 26-6 abante, sa pangunguna ni Romel Javier na may 24 puntos, upang biguin ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa torneo na hangad makatulong sa pagkalap ng pondo para sa pagpapagamot ng manunulat na si Mike Lee ng pahayagan na Bandera.

Sinandigan naman ng Poker King Club ang jumpshot ni Edwin Rivera upang agawin ang abante sa 84-83, bago pinuwersa ang Full Blast Digicomms na magkamali sa huling 34 na segundo ng laro tungo sa pagsungkit sa una nitong panalo sa dalawang laro. Nahulog din ang Digicomms sa 1-1 panalo-talong kartada.

Ang torneo ay isinasagawa para makatulong kay Lee na nastroke, habang nasa coverage ng isang multi-sports event sa Antique noong Nobyembre 10 at patuloy na nangangailangan ng panggastos para sa kanyang CT scan at medical test para sa kanyang patuloy na rehabilitasyon at maagang paggaling.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Walong koponan ang kasali sa torneo na susuportahan na rin ng F2 Logistics Cargo Movers at SportsCORE kasama ang bagong pamunuan ng Philippine Sports Commission sa liderato ni Chairman William “Butch” Ramirez.

Kabilang sa pioneer na kasali sa liga ang Bangko Sentral ng Pilipinas, Poker King Club, PAGCOR A, Full Blast Digicomms/Sporthunk, Sportswriters, Philippine Sports Commission at ang TV5.

Isinasagawa ang mga laro kada Lunes, MIyerkules at Biyernes.

Iskor

PAGCOR (82) – Javier 24, Magadia 21, Nuestro 17, Carreon 6, Taverner 5, Dinsay 5, Veluz 3, Lumibao 0, Fernandez 0

Bangko Sentral (73) – Soza 19, Tabunan 16, Carpio 12, Eroles 8, Qumilat 6, Angeles 5, almeda 2, Nigoza 2, Gumatay 2, Ilagan 1, Yabut 0, Gutierrez 0, Concepcion 0

Quarterscores:

26-6, 41-31, 61-49. 82-73

Poker King Club (87) – Rabe 32, Sy 19, J.Docto 18, Mendoza 11, Borbon 3, P.Docto 2, E.Rivera 2, Brion 0, Gacutan 0

Digicomms (83) – De Leon 37, Bantog 13, B. Andaya 12, Gavino 8, I. Andaya 6, Rogado 5, Calde 2, Diaz 0, A. Andaya 0, Ramos 0.

Quarterscores:

28-29, 50-37, 68-63, 87-83 (Angie Oredo)