PINABORAN ng United Nations (UN) arbitration tribunal ang Pilipinas kaugnay sa territorial claims nito, habang hindi tinanggap ang pag-aangkin ng China sa malaking bahagi ng South China Sea.

Naging matagumpay din ang pamahalaan laban sa ilegal na droga nang matagpuan ang isang drug-manufacturing vessel sa Subic Bay at pati na rin sa pagsuko ng 21,000 drug user at pusher sa buong bansa.

“There was no legal basis for China to claim historic rights to resources within the sea areas falling within the ‘nine-dash line’,” ayon sa UN Permanent Court of Arbitration.

Pinagdiinan din ng Tribunal, sa isang 497 pahina, na ang mga Chinese law enforcement patrol ay may posibilidad na bumangga sa sasakyang pandagat ng Pilipinas na labis na makasisira sa mga yamang-dagat.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Tinuligsa rin ng UN tribunal ang pagtatayo ng China ng artipisyal na isla sa Mischief Reef, mas kilala sa tawag na Panganiban Reef, sa South China Sea, at sinabing ito ay maaaring maging sanhi ng “permanent irreparable harm” sa mga coral reef.

Napag-alaman din ng tribunal na hinarang ng China ang Philippine petroleum exploration sa Reed Bank, pinigilan ang pangingisda sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa, at nabigong mapigilan ang mga mangingisdang Chinese na pumalaot sa EEZ ng Pilipinas sa Mischief Reef at Second Thomas Shoal, mas kilala sa tawag na Ayungin Shoal sa Pilipinas.

Malugod na tinanggap ni Pangulong Duterte ang naging desisyon ng tribunal, ang electronic copy na ipinadala sa Malacañang, dakong 5:12 ng hapon nitong Martes.

Maaari niyang ipag-utos na ihanda ang kanyang jet-ski hindi para mamatay doon, kundi para lumangoy.

Ayon kay Acting Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., “The Philippines strongly affirms its respect for this milestone decision as an important contribution to ongoing efforts in addressing disputes in the South China Sea.”

(Fred M. Lobo)