Inungusan ng Finals-bound na Australia ang Guam sa nakaririnding labanan, 2-1, upang walisin ang laro nito sa eliminasyon ng 2016 Asia-Pacific Senior League Baseball Tourney nitong Huwebes kung saan nagtala rin ang Pilipinas ng “breakthrough win” sa Clark International Sports Complex sa The Villages sa Clark.
Sinamantala ng Aussies ang dalawang fielding errors ng Guam upang itala ang go-ahead run mula kay Jack Dunn sa top of the seventh inning bago inilusot ang isa sa bases-loaded situation sa depensiba upang itala ang huling out at selyuhan ang kanilang ikaapat na sunod na panalo.
Nahulog ang Guam sa 2-1 karta, subalit nanatili na isang larong abante kontra sa naghahabol na Pilipinas, (1-2) at CNMI (1-2) patungo ngayon sa huling araw ng eliminasyon ng torneo na suportdo ng Mister Donut at Philippine Sports Commission.
Matapos ang 0-2 simula, binigo ng representante ng ILLAM ang bokya na Indonesia, 7-0, upang pumasok sa win column at makahabol sa Commonwealth of Northern Mariana Islands CNMI sa ikatlong puwesto.
Umatake ang mga Pinoy ng tatlong runs s third inning upang pasimulan ang pag-iskor kontra Indons (0-3) bago pinalobo ang abante sa error-aided run, isang RBI single ni Gabby Angeles, at two-run double ni Harper Sy.
Makakapuwersa ang ILLAM ng posibleng pagtatabla para sa ikalawang puwesto kasama ang Guam kung magagawa nitong talunin ito eliminasyon sa Huwebes ng hapon at ang defending champion CNMI para sa three-way logjam kung mananalo Indonesia.
Sakaling magkaroon ng triple tie, sinabi ng mga organizer na dedesisyunan ito sa pgdedetermina sa koponan na may pinakakaunting run sa lahat ng mga laban.
Bitbit ng Guam batter ang malaking bentahe sa scenario dahil nagbigay lamang ito ng 7 sa panalo kontr sa CNMI, at 2 sa kabiguan nito sa Aussies. Ang mga Pinoy ay nagbigay naman ng 21 run sa Australia at 6 sa CNMI.
Sa salpukan sa Intermediate 50/70 division ay sinelyuhan ng defending champion Korea at Japan ang kanilang paghaharap para sa korona matapos itala ang kanilang ikatlong sunod na panalo, kapwa sa regulasyon. Tinalo ng Korea ang Hong Kong, 13-2, habang binokya ng Japan ang Indonesia, 11-0. (Angie Oredo)