PANDAN, Catanduanes – Nakakumpiska ang mga tauhan ng Pandan Municipal Police ng nasa P2,130,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang follow-up operation kahapon ng umaga.

Sinabi ni Senior Insp. Virgil Bibat, hepe ng Pandan Municipal Police, na nakakumpiska sila ng 71 bulto ng hinihinalang shabu sa Barangay Balangonan sa Pandan sa follow-up operation kahapon, kasunod ng pagkakaaresto nitong Miyerkules ng umaga ng isang hinihinalang drug pusher.

Aniya, matapos madakip si Randy Eusebio y Paloma, alyas Bong, ay inamin nitong may 71 bulto ng shabu na ibinaon niya sa lupa.

Nasamsam ng pulisya mula kay Eusebio ang 12 sachet ng hinihinalang shabu.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

“’Yung narecover po naming mga ilegal na droga ay tinatayang nagkakahalaga ng P30,000 per bulk at may kabuuang halaga na mahigit dalawang milyon,” ani Bibat. (Niño N. Luces)