Aabot sa P10 milyong halaga ng ari-arian ang naabo matapos lamunin ng apoy ang tatlong palapag na gusali sa Katipunan Ave., Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Base sa report ni QC Fire Marshall Sr. Supt. Jesus Fernandez, dakong 4:30 ng madaling-araw nang masunog ang Shoppers Ville Supermarket na pag-aari ng Araneta Enterprises Corp.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa penthouse sa ikalawang palapag ng gusali dahil umano sa short circuit.

Sinabi ni Fernandez na dakong 5:00 ng umaga ay umabot sa ikalawang alarma hanggang ikalimang alarma ang sunog at dahil sa maagap na pagresponde ng mga bomber ay tuluyang naapula ang apoy dakong 9:30 ng umaga kahapon.

'Goodluck sa puksaan!' Jesus Falcis, sinagot kung kailan sasali sa 'bardagulan' mga Kakampink

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Quezon City Fire Department upang alamin kung may naganap na foul play sa insidente. (Jun Fabon)