BEIJING (AFP) – Posibleng magtayo ang China ng mga mobile nuclear power plants sa South China Sea, iniulat ng state media noong Biyernes, ilang araw matapos ibasura ng isang international tribunal ang malawakang pag-aangkin ng Beijing sa mahahalagang bahagi ng tubig.
‘’Marine nuclear power platform construction will be used to support China’s effective control in the South China Sea,’’ nakasaad sa website ng state-run Global Times tinukoy ang sinabi ng China National Nuclear Corporation (CNNC) sa social media account.
Binanggit ng Global Times ang ulat na nagsasabing gagamitin ang ‘’marine nuclear power platforms ‘’ sa mga isla at bahura ng Spratly chain sa pinagtatalunang karagatan ‘’to ensure freshwater.’’