milo copy

Matinding labanan ang inaasahan sa pagsikad ng National Milo Marathon na tutuntong sa isa pa nitong makulay na kasaysayan sa pagseselebra ng ika-40 nitong taon na magsisimula sa 14 nitong regional races sa Dagupan sa Hulyo 17.

Ito ay matapos ihayag ni MILO Sports Executive Andrew Neri na sa pakikipag-ugnayan nito sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ay makakalahok na muli ang mga miyembro ng pambansang koponan sa prestihiyosong karera.

“They (national athletes) are already seeded to the national finals because they had been training for the whole year and they need not to join the qualifying,” sabi ni Neri.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Hangad ngayong taon ng MILO National Marathon na makamit ang 200,000 bilang ng runners sa lahat ng mga isinasagawa nitong distansiya upang makamit ng hamon nito na mapalawak ng husto ang karera sa lahat ng nagnanais maging kampeon at propesyonal na runners.

Matapos isagawa sa Clark, Pampanga nakaraang taon ang kampeonto ay lilipat ito sa kauna-unahang pagkakataon na isasagawa sa probinsiya, partikular sa Iloilo na gaganapin sa Disyembre 4.

Ito din ang pinakaunang pagkakataon na maghohost ang Visayas sa pinakakaabangan kada taon na karera na may pinakamalaking premyo.

“The City of Iloilo is honoured and excited to be a part of the National MILO Marathon’s historic culminating event,” sabi lamang ni Iloilo City Mayor Patrick Jed Mabilog.

Ipagtatanggol naman nina two-time MILO Marathon King Rafael Poliquit at three-time Queen at 2016 Rio Olympian na si Mary Joy Tabal ang kanilang mga korona kontra sa matitinding kalaban mula sa buong bansa na tatahakin ng karera.

Matapos ang karera sa Dagupan ay tutungo ito sa Tarlac (Hulyo 24), Metro Manila (Hulyo 31), Batangas (Agosto 7), Lucen (Agosto 14), Naga (Agosto 28), Tagbilaran (Setyembre 18), Cebu (Setyembre 25), Dumaguete (Oktubre 2), Davao (Oktubre 9), General Santos City (Oktubre 16), Cagayan De Oro (Oktubre 23), at Butuan (Oktubre 30).