Marian Rivera 2-K100 copy

AYON sa manager ni Marian Rivera, walang katotohanan na magpapahinga muna sa showbiz ang alaga niya. Extended sa

second season ang Yan Ang Morning kaya tuluy-tuloy pa rin ang taping ng morning show na napapanood daily, every 9:45 ng umaga sa GMA -7. In fact, last Monday, may taping ang show na special guest nila ni Boobay sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Nariyan pa rin ang kanyang Sunday Pinasaya kasama sina Ai Ai delas Alas, Alden Richards, Jose Manalo at Wally Bayola as hosts.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Busy rin si Marian sa taping ng inaabangang requel ng Encantadia. Gumaganap siya bilang si Ynang Reyna Mine-A, ina ng apat na Sang’gre na sina Amihan (Kylie Padilla), Alena (Gabbi Garcia), Danaya (Sanya Lopez) at Pirena (Glaiza de Castro).

Napanood na namin ang pilot episode ng Encantadia na ipapalabas na simula sa Lunes, July 18, pagkatapos ng 24 Oras.

Sa direksiyon ni Mark Reyes, ang direktor din ng unang Encantadia na after 11 years at ilang beses na pagtatangkang i-remake ay natuloy din sa wakas.

Ang ganda-ganda ni Marian at bagay na bagay ang role niyang Ynang Reyna. Siyempre, sino pa ba ang Haring Raquim kundi ang asawang si Dingdong Dantes. Dahil reyna na handang ipagtanggol ang kaharian ng Lireo at ang kanyang pamilya, kinailangan niyang mag-training sa pakikipaglaban.

“Sino pa ba ang pinakamahusay na trainor ko kundi ang asawa ko,” pabirong sagot ni Marian nang tanungin kung paano siya naghanda sa role. “No, may trainor ako pero tinulungan din ako ni Dong sa pag-aaral ng arnis. Nag-aral din ako ng muay thai. Kailangan ko rin kasing maging fit for the role.”

Kaya huwag ninyong i-miss ang pagsisimula ng Encantadia dahil ipakikita kung paano nabuo ang mga kaharian ng Encantadia at makikita ang cast na binubuo ng halos lahat na yata ng stars ng Kapuso Network.

Samantala, may mga tinanggap nang US road shows ang mag-asawang Dingdong at Marian para sa GMA Pinoy TV at itataon ito kapag maluwag-luwag na sila ng taping ng Encantadia. (NORA CALDERON)