Tatangkain ni IBF Pan Pacific at interim OPBF super featherweight champion Carlo Magali na agawin ang titulo ni WBA International lightweight titlist Emmanuel Tagoe sa kanilang sagupaan bukas sa Accra Sports Stadium sa Accra, Ghana.

Plano rin niyang iganti ang pagkatalo ng mga Pilipinong sina dating OPBF junior lightweight champion Ronald Pontillas na nabigo sa kontrobersiyal na 12 round majority decision para sa bakanteng WBO Africa at WBA International super featherweight titles at dating IBO Youth lightweight champion Joebert delos Reyes via stoppage sa mga sagupaang ginanap sa Ghana.

Kinatatakutan ngayon si Magali matapos mamatay ang nakalabang walang talong na si Aussie David Browne Jr. nang patulugin niya sa sagupaan para sa IBF Pan Pacific junior lightweight crown noong 2015 sa South Wales, Australia.

Beterano ng 30 laban, hindi natatakot lumaban si Magali sa ibayong dagat dahil sumagupa na siya at nanalo via TKOs kina Ryuta Miyagi at Ryo Fueki sa Japan, natalo sa kontrobersiyal na desisyon laban kay Andrey Bogdanov sa Russia at Australia kung saan tinalo niya si Browne.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakalistang No. 9 sa WBA si Tagoe na may kartadang 25-1-0 win-loss-draw na may 12 panalo sa knockouts kumpara sa mas beteranong si Magali na may 20-7-3 win-loss-draw record, may 10 pagwawagi sa knockouts. (Gilbert EspeÑa)