LONDON (AFP) – Naupo si Theresa May bilang bagong prime minister ng Britain noong Miyerkules na obligdong hilahin ang bansa palabas ng EU, at nanggulat nang hirangin ang nangungunang Brexit campaigner na si Boris Johnson bilang foreign secretary.

Pinalitan ni May si David Cameron na nagbitiw matapos ang nakayayanig na botohan noong Hunyo 23 para umalis sa European Union, na nagbunsod ng tatlong linggo ng matinding gulo sa politika at mahinang financial markets.

Itinalaga ni May, sinuportahan ang pananatili ng Britain sa EU, ang nangungunang ‘’Leave’’ campaigner na si Johnson sa senior cabinet post kasabay ng mabilis na pagkilos para hilumin ang pagkakahati-hating idinulot ng referendum.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina