MALIIT ang posibilidad magka-allergy ang mga bata na mahilig magsubo ng kanilang hintuturo at kinakagat ang kanilang kuko, ayon sa pag-aaral na isinagawa sa loob ng tatlong dekada.

Bagamat hindi iminumungkahi ng pag-aaral ang mga gawaing ito, nais lamang nilang imungkahi na ang ganitong nakasanayan ay maaaring magbigay proteksiyon sa mga bata laban sa allergies, sabi ng mga researcher.

“Many parents discourage these habits, and we do not have enough evidence to (advise they) change this,” sabi ni Dr. Robert Hancox, associate professor ng respiratory epidemiology sa University of Otago, New Zealand. “We certainly don’t recommend encouraging nail-biting or thumb-sucking, but perhaps if a child has one of these habits and [it] is difficult [for them] to stop, there is some consolation in the knowledge that it might reduce their risk of allergies.”

Sa pananaliksik, kinuha ang mga datos ng mga researcher mula sa isinasagawang pag-aaral sa mahigit 1,000 na bata na ipinanganak sa New Zealand noong 1972 hanggang 1973. Tinanong ang mga magulang ng mga bata tungkol sa thumb-sucking at nail-biting na habit ng apat na beses: noong ang mga bata ay nasa edad 5, 7, 9, at 11. Sinuri rin ng mga researcher ang mga bata sa kanilang allergies gamit ang skin-prick test noong sila’y 13 at sumunod naman noong sila’y 32.

National

Signal No. 3, itinaas na sa 2 lugar sa Luzon dahil sa bagyong Nika

Lumabas sa resulta ng pag-aaral na 38 percent ng mga bata na nagsusubo ng kanilang hintuturo at ngumangatngat sa kanilang kuko ay mayroong hindi bababa na isang allergy, samantalang 49 percent naman ng mga bata na hindi ito nakaugalian ang may allergy.

Ang resulta ng mga gawaing ito ay maaaring obserbahan hanggang ang bata ay umabot sa 32 taong gulang. Ang resulta ng ‘mannerism’ na ito ay maaaring magbago base sa posibleng namana na allergy ng anak sa magulang, alagang hayop, kung ang mga bata ay breast-feed, o kung ang mga magulang ay naninigarilyo.

Bilang karagdagan, ang kaugnayan ng ganitong childhood habits sa mababang panganib sa allergies ay nakikita pa rin sa mga kalahok ng pag-aaral noong sila ay 32 taong gulang na. Nagpatuloy ang koneksiyon nito kahit ang nagdagdag ang researchers ng factors na nakakaapekto sa pagkaroon ng allergy ng mga tao, tulad ng kung ang kanilang magulang ay may allergies din.

Ang mga bata na nagsusubo ng hintuturo at ngumangatngat din ng kanilang kuko ay mas may posibilidad na hindi makaranas ng allergy hanggang 13 taong gulang kumpara sa mga bata na isa lamang sa mga gawaing ito ang ginagawa.

Gayunman, hindi na matagpuan ang pagkakaugnay nang tumuntong na sa edad 32 ang mga kalahok, ayon sa impormasyon na inilabas ng journal na Pediatrics noong Hulyo 11.

Ang bagong resulta ay konektado sa resulta ng ibang pag-aaral, na inilathala sa naturan ding journal noong 2013, na natuklasan na ang mga bata na may ina na naglilinis ng pacifier ng kanilang anak ay may maliit na posibilidad na magkaroon ng allergy. “Although the mechanism and age of exposure [to pathogens] are different, both studies suggest that the immune response and risk of allergies may be influenced by exposure to oral bacteria or other microbes,” ayon sa tala ng researcher sa bagong pag-aaral.

Napatunayan din ng pag-aaral ang ‘hygiene hypothesis’, na ang mga bata sa mga lugar na may maliit na bilang ng mikrobyo o germs ay mas madaling kapitan ng sakit tulad ng allergy. “Exposure to microbial organisms influences our immune system and makes us less likely to develop allergies,” inihayag ni Hancox sa Live Science. (LiveScience.com) (Isinalin ni Helen Wong)