Isang mambabatas mula sa Mindanao ang nagmungkahi na baguhin ang Constitution sa pamamagitan ng Constitutional Commission.

Sinabi ni Rep. Mayo Almario (2nd District, Davao Oriental) na higit na kapani-paniwala at katanggap-tanggap sa mamamayan ang Constitutional Commission (Con-Com).

Sa ilalim ng 1987 Constitution (Article XVII), maaaring baguhin ang Saligang Batas sa tatlong pamamaraan:

Constitutional Assembly (Con-As), Constitutional Convention (Con-Con), at People’s Initiative.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sinabi ni Almario na posible pa rin ang ikaapat na pamamaraan. Sa kanyang panukala, bilang dagdag na tungkulin ng Kongreso, magtitipon ito bilang isang constitutional assembly (Con-As) sa mga buwan ng Agosto at Setyembre para amyendahan ang Article XVII ng 1987 Constitution upang maisama ang Con-Com bilang fourth mode o pang-apat na pamamaraan sa Charter Change (Cha-Cha).

“The Con-Com shall be given from January to May 2017 or five months to draft the new proposed constitution which will embody the shift to federalism. The plebiscite for this draft constitution shall be held in September 2017.”

(Bert de Guzman)