Itinakda na ng Commission on Elections (Comelec) ang petsa para sa paghahain ng kandidatura sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Batay sa Resolution No. 10151 na inisyu ng Comelec, maaari nang maghain ng certificate of candidacy (CoC) ang mga interesadong tumakbo para sa naturang halalan, simula sa Oktubre 3.

Gayunman, tatagal lamang ito ng tatlong araw kaya’t ito’y magtatapos sa Oktubre 5.

May siyam na araw naman ang mga kandidato para mangampanya na magsisimula sa Oktubre 21 hanggang Oktubre 29.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ipinaalala ng Comelec na magsisimula ang election period sa Oktubre 1 hanggang Nobyembre 7.

Sa nabanggit na petsa, muling paiiralin ang election gun ban o pagbawal sa paggamit o pagdadala ng baril at iba pang nakamamatay na armas, at paggamit ng security personnel o bodyguards ng mga kandidato.

Ang Barangay at SK elections ay idaraos sa Oktubre 31. (Mary Ann Santiago)