Naaalarma na ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa umano’y pananahimik ng taumbayan sa pagtaas ng bilang ng mga namamatay, bunsod ng all-out war na idineklara ng gobyerno laban sa ilegal na droga.
Ang pananahimik ng sambayanan ay indikasyon umano na aprubado nito ang extrajudicial killings, ayon kay CBCP – Episcopal Commission on Basic Ecclesiastical Communities Executive Secretary Fr. Amado Picardal sa Radio Veritas.
“The reaction of the citizens, of which majority are Catholics, Christians, is to suspend their belief of what is right and wrong by either being quiet or they approve of it. For them, it is justified until the one involved are their families and relatives,” ayon kay Picardal.
Binigyang diin ni Picardal na may “kabaliwang” nagaganap sa bansa, kung saan lalala pa ito kapag nagpatuloy umano ang pagpaslang.
“My worry that this will not stop because, we, the citizens, there’s no outcry, there is no moral outcry,” dagdag pa nito.
Sa iba pang ulat, hinimok naman ng pamahalaan ang faith-based organizations na makipagtulungan sa kampanya nito laban sa ilegal na droga.
Sa kanyang pahayag sa Radyo ng Bayan, nanawagan si Presidential spokesperson Ernesto Abella sa church groups para makipagtulungan. “We’d like to encourage the faith-based organizations to be involved in helping out especially the young drug users,” ani Abella.
“Nadiskubrehan na one reasons why mga kabataan lured into drugs is because of peer pressure. Wala silang pinaghuhugutan na malalim na paniniwala o pananaw sa buhay,” dagdag pa nito. (Samuel Medenilla at Yas Ocampo)