Naghain ng panukalang batas kahapon si Rep. Arthur Yap (3rd District, Bohol) na naglalayong baguhin ang personal income tax system upang maibaba ang buwis sa low-income earners “which will allow them a higher net income and increase their purchasing power.”

Ayon kay Yap, titiyakin din ng panukala na makakolekta ang pamahalaan ng mas malaking bahagi ng kita mula sa mga taxpayer na kayang-kayang magbayad.

Sususugan ng House Bill 39 ang Section 24 (A) (1) ng Republic Act No. 8424 o ang National Internal Revenue Code of 1997, na inamyendahan ng RA 9504. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'