Sinolo ng Arellano University ang liderato sa juniors division nang iposte nito ang ikalimang dikit na panalo sa pagpapataob sa Letran, 87-75, kahapon sa NCAA Season 92 basketball tournament sa San Juan Arena.

nagsalansan si Guilmer de la Torre ng 26 na puntos sa second half Mula sa apat na puntos na produksiyon lamang sa first half para sa kabuuang 30 puntos upang pangunahan ang panalo ng Braves.

Mayroon lamang apat na puntos na bentahe sa pagtatapos ng third period, 63-59, nagsanib-puwersa sina de la Torre at Lars Sunga sa ikaapat na yugto upang ilayo ang Braves at maisiguro ang panalo.

Bukod sa game high na 30 puntos, nagtala rin si De la Torre ng 10 rebounds,1 assist at 2 steals.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nahulog naman ang Squires sa karta na 2-3 panalo-talo dahil sa kabiguan kapantay ng University of Perpetual Help na nagwagi naman sa San Sebastian College sa ikalawang laro, 57-45.

Nagtala ng 13 at 11 puntos sina Jielo Razon at Lance De leon, ayon sa pagkakasunod, para pamunuan ang Junior Alta’s.

Bunga ng pagkabigo, lalo namang nabaon ang Staglets sa buntot ng standings na may limang talo. (Marivic Awitan)