BATANGAS - Umabot na sa 11 katao na pinaghihinalaang tulak ng droga ang napatay ng mga pulis sa Batangas, ayon sa datos ng Batangas Police Provincial Office (BPPO).

Sa ulat ni Supt. Francisco Ebreo sa pulong ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), ang nabanggit na bilang ay batay sa tala noong Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

Naaresto rin ng pulisya ang 1,076 na pusher at user sa magkakasunod na operasyon sa buong lalawigan.

Umabot naman sa 248 kilo ng shabu at mahigit 900 gramo ng marijuana ang nakumpiska, at sa kabuuan ay nagkakahalaga ng mahigit P23.8 milyon, ayon kay Ebreo. (Lyka Manalo)

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!