Mga laro ngayon
(San Juan Arena,)
12 nn.- San Beda vs St. Benilde (srs)
2 p.m.- EAC vs Mapua (srs)
4 p.m.- LPU vs Jose Rizal (srs)
Ipinamalas ni Bright Akhuetie ang kanyang pinakamagandang laro upang tulungan ang Perpetual Help sa importanteng 76-61 panalo kontra San Sebastian nitong Huwebes, tungo sa pagsiguro sa unang apat na puwesto sa 92nd NCAA Seniors basketball tournament, sa The Arena sa San Juan City.
Matapos ihulog ang 19 puntos at walong rebounds sa 58-50 panalo kontra Jose Rizal ay ipinamalas ni Akhueti, na isinilebra ang kanyang ika-19 taong kaarawan, ang kanyang game-best 20 puntos at 20 rebound para itulak ang Altas nsa kanyang ikalawang sunod na panalo kontra isang talo.
Nagningning ang 6-8 Nigerian sa ikalawang quarter matapos na isagawa ng Las Pinas-based squad ang dalawang puntos na abante sa unang yugto tungo sa malaking 44-37 abante sa unang hati bago siniguro ang anim na puntos sa huling yugto para ipreserba ang panalo.
“I just try my best to help the team in the best way I can,” sabi ni Akhuetie na hindi kasama sa first five.
Tinulungan din ni Akhuetie ang dominasyon ng Altas’ sa rebounding sa season-high 59 boards kontra sa 41 lamang ng Stags.
“We lost to them in Filoil because we were beaten in the rebounding department,” sabi ni Perpetual Help coach Jimwell Gican. “I’m happy that the team responded by putting extra effort in getting those rebounds.”
Tumulong ang rookie na si Regille Ilagan sa pagtatala ng career-high 27 puntos, anim ay mula sa three-point area.
Ang dating miyembro ng Staglet ay nakuha ang kumpiyansa matapos bitbitin ang Perpetual sa kanyang 14 na puntos sa first quarter upang tulungan ang San Sebastian agawin ang 21-19 abante sa pagtatapos ng yugto bago na lamang nagising si Akhuetie.
Sinabi ni Gican na nakatuon ang kanyang koponan sa mas matinding labanan kontra hindi pa natatalo na San Beda (3-0) sa Martes.