COTABATO CITY – Apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay at dalawang sundalo ang nasugatan sa panibagong sagupaan ng magkabilang panig sa hangganan ng mga bayan ng Shariff Aguak at Datu Unsay sa Maguindanao nitong Miyerkules, ayon sa 6th Infantry Division ng Philippine Army.

Sinabi ni Capt. Joann Petinglay, tagapagsalita ng 6th ID, na inabot ng apat na oras ang sagupaan ng mga sundalo at ng BIFF sa isang barangay sa Shariff Aguak nitong Miyerkules ng umaga.

Dalawang sundalo rin ang nasugatan sa engkuwentro, na ikinamatay ng apat mula sa BIFF, ayon kay Petinglay.

Ayon kay Petinglay, isang menor de edad na residente ang napatay sa sagupaan, na nakaabala rin sa trapiko sa national highway sa bahagi ng Shariff Aguak na nag-uugnay sa mga siyudad ng Tacurong, Koronodal, at General Santos. (Ali G. Macabalang)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito