Inihayag ng Philippine National Police na umabot sa 11,528 kaso ng karahasan laban sa mga bata ang naitala sa loob lamang ng limang buwan ngayong taon.

Ayon sa data ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), mataas pa rin ang naitatalang kaso ng rape na umaabot ng 2,738.

Sinabi naman ng Woman and Children Protection Center, pito pang kaso ang nagtala ng pinakamalaking bilang sa pangunguna ng acts of lasciviousness, incestous rape, attempted rape, anti-sexual harassment (RA7877), child labor (RA 9231), anti-child pornography (RA-9775) at anti-mail-order bride (RA-6955) na umabot sa 4,314 na kaso simula Enero hanggang Mayo.

Ipinakita rin ng datos ang child abuse (RA-7610) na umabot sa 6,973 na pawang may mga kasong child prostitution, attempt to commit child prostitution, child trafficking, attempt to commit child trafficking, obscene publication, physical injuries at other acts of abuse.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nariyan din ang kasong kidnappng and failure to return a minor, inducing a minor to abandon home, exploitation of child labor, abandoning a minor, exploitation of minor, swindling a minor, qualified seduction, simple seduction, corruption of minor, consented abduction, forcible abduction at infanticide, na may kabuang 241 kaso.

Ayon sa DIDM, 33,191 kaso ng violence against children ang naitala noong 2015, at nangunguna pa rin ang kasong rape na may kabuuang 6,813 sa nasabing taon. (Fer Taboy)