Hiniling ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na isama na ng pamahalaan sa kanilang panukala ang budget para sa 16,140 pulis na walang baril, gayundin ang pagkuha ng 23,820 bagong pulis upang higit na maging maayos ang kampanya laban sa krimen.
Aniya, kung hindi ito mapapabilang sa panukalang budget lalabas na may mga pulis na wala namang baril.
“The PNP has not attained a 100 percent issuance of short firearms to PNP uniformed personnel required,” ani Recto, batay sa 2015 ulat ng Commission on Audit (COA).
Aniya, mula sa 147,041 miyembro ng Philippine National Police (PNP), aabot lamang sa 124,738 ang may mga baril. (Leonel Abasola)