Handa na ang tropa ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumalik sa Spratlys matapos na ibigay ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa Pilipinas ang hurisdiksyon sa West Philippine Sea.

Ayon kay PCG Spokesman Capt. Armand Balilo, handa na silang bumalik at naghihintay na lamang ng clearance mula sa nakakataas.

Sinabi ni Balilo na nakapagpalakas sa morale ng PCG ang desisyon ng international tribunal kaya naman kahit mahina pa ang kanilang kapabilidad ay handa na silang magpunta sa West Philippine Sea at eskortan doon ang mga mangingisdang Pinoy.

Sa iba pang ulat, nilinaw naman ni Balilo na walang kinalaman ang PCG-Japan Coast Guard (JCG) Joint MARLEN Exercise sa desisyon ng tribunal.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“This has no relation at all with the international tribunal of the law of the sea. It just so happens that this has already been scheduled and this is a regular exercise conducted between Japan and the Philippines,” ani Balilo.

Ang Japan ay partner ng PCG sa human resource development projects. Nakatakda rin itong magbigay ng 10 patrol vessels sa bansa, na inaasahang darating sa Agosto. (Argyll Cyrus B. Geducos)