TITO SOTTO, PLEASE CROP copy copy

PINADALHAN ng summon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pamunuan ng Eat Bulaga para sa isang pagpupulong sa July 21. Hindi nagustuhan ng MTRCB ang napanood sa segment na “Juan For All, All For Juan” sa July 9 episode ng noontime show na ayon sa nag-viral na reklamo ng netizens ay nabastos diumano ni Sen. Tito Sotto, isa sa mga host ng show, ang babaeng winner sa kanilang ‘Sugod-Bahay’.

Naibahagi kasi ng winner ang tungkol sa kanyang pinagdaanan noon, ang diumano’y naranasang pagsasamantala sa kanya ng isang kaibigang lalaki habang siya ay nasa impluwensiya ng alak. Sabi nito, pinagsamantalahan siya.

At dahil sa nangyari ay hiniwalayan nito ang mister, kahit na hindi raw nito maalala kung may nangyari o wala sa kanila ng kaibigan dahil nga sa sobrang kalasingan niya.

Human-Interest

Dating tindero ng isda sa Quiapo, sikat na filmmaker na sa Dubai!

Nagkomento si Sen. Sotto na ang pinakadahilan daw ng mga ganoong pangyayari ay ang pag-inom ng alak.

Kinastigo rin ng TV host-politician ang babae dahil sa pag-inom nito.

Ani Tito Sen, “Kababae mong tao, shot-shot ka.”

Sinang-ayunan naman ito ng location hosts na sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Kahit pangiti-ngiti ang contestant, ramdam ng viewers na nainsulto ito sa mga komento sa kanya.

Hindi nagustuhan ng ilang netizens na nakapanood ng nasabing segment, agad na kumalat sa social media ang posts at nakarating sa MTRCB. (Ador Saluta)