LONDON (AFP) – Bumaba sa puwesto si British Prime Minister David Cameron nitong Miyerkules habang naghahanda na ang kapalit niyang si Theresa May para pangunahan ang Britain sa paglisan sa European Union kasunod ng makasaysayang referendum noong Hunyo na ikinagulantang ng buong mundo.
Ang 59-year-old na si May ang naging ikalawang babaeng prime minister ng Britain matapos ni Margaret Thatcher.
Haharapin niya ang hamon na pagkaisahin ang Conservative Party at ang posibleng pagbagsak ng ekonomiya. Kailangan din niyang pigilan ang posibleng paghahangad ng kalayaan ng pro-EU na Scotland upang manatili ito sa 28-nation bloc, at magbuo ng bagong global trade at diplomatic alliances bilang paghahanda sa kinabukasan matapos ang Brexit.