HINDI naman pala galit si Pangulong Duterte sa media bagamat kumbinsido siya na ang tinawag niyang “corrupt journalists” ay lehitimong target ng asasinasyon. Dahil dito, sinabi ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar na bubuo ang Pangulo ng isang “superbody” na magsusuri at mag-iimbestiga sa pagpatay sa mga mamamahayag sa bansa.

Nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng media at ng pangulo nang mabalitaan niya na ipinaboboykot siya bunsod ng naging pahayag niya na ang mga napapatay na mamamahayag ay mga corrupt at bayaran. Kinontra ito ng media at binanggit ang pagpatay kay “Doc” Gerry Ortega, isang broadcast-journalist sa Palawan, dahil sa paglaban sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot umano sa anomalya sa Malampaya fund at pamiminsala sa kapaligiran.

Bukod kay “Doc” Ortega, binanggit din ng Filipino journalists ang kahindik-hindik na pagpaslang ng mga Ampatuan sa 57 tao, kabilang ang 32 mamamahayag, noong 2009 na kung tawagin ay “Maguindanao Massacre”. Dapat tandaan ng machong Presidente na hindi ang Philippine media ang nagbanta na iboykot siya kundi, ang Paris-based na Reporters Without Borders (RWB).

Hinimok ng RWB na huwag i-cover ng media sa bansa ang mga interview at press conference ni Duterte. Gayunman, tumanggi ang National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) at ang National Press Club. Sila ay tutupad sa tungkulin ng pamamahayag. Samakatuwid, walang katwiran si Mano Digong na akusahan ang local media na iboboykot siya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang banatan niya ay ang RWB.

Inihayag ni Sec. Andanar na dati ring mamamahayag, na inatasan siya ni Pangulong Rody na pangunahan ang isang bagong multi-agency Task Force bilang tugon sa dumaraming panawagan na kumilos ang pamahalaan sa ‘di nalulutas na pagpatay sa mga journalist. “Mag-iisyu ang Pangulo ng isang administrative order tungkol dito (superbody) na bubuuin ngayong buwan,” sabi ni Andanar.

Hinggil sa mga motorista na nagkakabit sa mga sasakyan ng “Du-30 Plates”, nagbabala ang Malacañang na “Just stop it.”

Naglalagay umano ang mga motorista ng gayong plaka upang makaiwas sa traffic violation. Sinabi ni Andanar na hindi kukunsintihin ni RRD ang ganitong sistema ng ilang motorista upang hindi hulihin kapag nakalabag sa trapiko.

Dapat nating tandaan na ang probinsiyanong Presidente ay ayaw ng extra treatment kung kaya maging siya ay pumipila at nagpapakapkap sa airport kapag umuuwi sa Davao City. Sa economy class din siya nauupo at hindi sa business class.

Ayaw din niyang maabala ang mga pasahero tuwing uuwi siya sa Davao City o papunta sa Maynila. Noong panahon ni PNoy, tigil lahat ang lipad ng eroplano kapag bumibiyahe siya kaya naaabala ang mga pasahero. Ayaw ito ni Mano Digong.

Ang bagong Pangulo ng Pilipinas ay isang probinsiyano na may pusong-bakal laban sa mga kriminal, drug lord-trafficker at corrupt gov’t officials, subalit may pusong-mamon sa mga ordinaryong tao. Well, talaga nga kayang “change is coming” para sa Pilipinas at sa mga mamamayan? (Bert de Guzman)