DOMINIC, BIANCA AT MARCO copy

GAYONG magwawakas na ang fantaserye niyang My Super D bukas, hindi pa rin makapaniwala si Dominic Ochoa na sa edad niyang 42 ay nabigyan siya ng pagkakataon na makapagbida at bilang superhero pa.

“Napakalaking blessing sa akin na sa edad kong ito, sa akin ipinagkatiwala ‘yong project,” sabi ni Dominic.

Kaya labis-labis ang pasasalamat niya sa ABS-CBN sa malaking responsibilidad na iniatang sa kanya dahil ang naging target audience nila ay ang pamilya lalo na ang mga bata. Nakasama niya bilang kanyang mag-ina sina Bianca Manalo at Marco Masa.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

“Salamat sa mga writers. I’ve worked naman with them way back pa, sa May Bukas Pa. Tiwala pa rin sa mga direktor namin dahil sila ‘yung nagdadala kung anong path ang kailangang sundan.

“And at the back of my mind, ‘yon nga, it’s a great responsibility, mabigat pero kailangan mong i-enjoy, eh, pero kailangang you have to take it seriously also.”

Inamin ng actor na nahirapan din siya sa kanyang unang pagbibida pero iyon ang babaunin niya sa pagwawakas ng serye.

“Hindi madali ‘yong ginawa namin, napakahirap with all the harness. `Yong init ng summer, ‘yung suit. Hindi naging madali para sa amin ‘yon pero nakayanan naman in a way.

“Hindi lang sa akin mahirap kundi maging sa mga taong nasa likod ng kamera, ‘yong humihila sa iyo behind at ‘yong double namin na naka-suit din.”

Binanggit ni Dominic na hindi niya alam kung may makukuha pa siyang isa pang ganitong project, pero hangad niyang muli siyang pagkatiwalaan ng management ng Kapamilya Network ng lead role. (JIMI ESCALA)