Hinihingan ng komento ng Korte Suprema ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng inihaing petisyon ng PDP-Laban na kumukuwestiyon sa pagpapalawig ng poll body sa pagsusumite ng Statement of Contribution and Expenditures (SOCE).
Binigyan ng Korte Suprema ang Comelec ng 10 araw para sumagot sa nasabing petisyon ng PDP-Laban.
Sa orihinal na schedule ng Comelec, hanggang Hunyo 8 lamang ang deadline sa paghahain ng SOCE ngunit pinalawig ito ng mayorya ng Comelec en banc ng hanggang Hunyo 30.
Ang hakbang ng Comelec ay bilang tugon sa kahilingan ng Liberal Party (LP) na payagan ang pagpapalawig sa paghahain ng SOCE.
Pero, ayon sa PDP Laban, ang resolusyon ng Comelec ay taliwas sa isinasaad ng Section 14 ng Republic Act 7166 na nagtatakda sa paghahain ng SOCE 30 araw matapos ang eleksiyon, at ito ay hindi maaaring palawigin. (Beth Camia)