USAP-USAPAN pala ng mga katoto at entertainment editors sa isang showbiz event ang mga artista ng isang TV network na hindi man lang daw marunong bumati sa press o ipakilala ang sarili.

Naikumpara tuloy sila sa mga artista ng kalabang network na marunong lumapit at mag-estima ng taga-media kaya bumabati at nagpapakilala.

Ito ang kuwento ng mga editor na nakatsikahan namin na sinegundahan naman ng mga katoto.

“Hoy, Reggee Bonoan, tutal kaibigan mo naman ‘yung mga artista ng _____ (TV network), sabihan mong bumati naman sila sa press, ‘yung iba hindi kilala, magpakilala kamo sila. Ang layo nila sa mga taga _____ (TV network), magagalang at una pang bumabati,” hirit ng editor na mataray sa amin.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Oo nga,” salo naman ng isa pang editor, “maraming baguhan, dapat ipakilala nila sarili nila o ‘yung managers nila, turuan sila. Bakit nga ba mga snob sila?”

So, paano na, katwiran namin, dahil kami rin ay hindi rin naman binabati ng mga baguhang artista ng nasabing TV network dahil hindi rin kami kilala. At ‘yung ibang kilala kami ay sadyang hindi rin kami binabati sa galit sa amin dahil nabibira namin, ha-ha-ha.

Pero may artistang malalawak ang pag-iisip kahit kahit nabibira o napupuna ay nauunawaan ang trabaho naming, kaya binabati pa rin kami o kinakaibigan kami at marunong magpasalamat kapag nasusulat ng maganda.

“Oo nga, eh, feeling ng mga artista ngayon, sikat sila habang buhay lalo na ‘yung mga hindi naman kagalingan,” hirit uli ng mataray na editor.

Parang the feeling is mutual naman, di ba, Bossing DMB? Tayong taga-media kapag hindi natin gusto ang personalidad ay hindi natin sinusulat o pinapansin kapag presscon. Ganoon din sila, kapag hindi nila gusto ang press, dedma rin sila.

Ang pagkakaiba lang, mas kailangan nila ang promo para sa projects nila at hindi natin kailangan ang promo nila sa atin. Wala namang mawawala sa atin kung hindi natin sila isulat dahil mas maraming isyu o releases tayong puwedeng ilabas na hindi sila. ‘Yon lang ‘yon. (Reggee Bonoan)