BEIJING (Kyodo) – Sinabi ng China noong Miyerkules na naging matagumpay ang pagsubok nito ng civil flights sa dalawa pang airfield na itinayo sa ibabaw ng mga coral reef sa Spratly Islands, iniakyat sa tatlo ang bilang ng mga paliparan na bukas sa civil aircraft sa pinagtatalunang kapuluan sa South China Sea.

Iniulat ito ng official Xinhua News Agency isang araw makalipas magpasya ang Permanent Court of Arbitration pabor sa Pilipinas sa kasong isinampa laban sa pang-aangkin ng teritoryo ng China sa nasabing bahagi ng tubig.

Nakasaad sa ulat na nakalikha na ang China, na hindi kinilala ang desisyon, ng tatlong gumaganang paliparan sa Spratlys – sa Mischief, Subi at Fiery Ross reefs, na tinawag nito sa kanilang mga Chinese name.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina