Taylor copy

KINILALA ang pangunguna ni Taylor Swift ngayong taon sa Forbes’ Top-Earning Celebrity sa buong mundo, sa kanyang kinikita na umaabot sa $170 milyon nitong nakaraang successful year niya sa industriya.

Dalawa sa pinakamagandang bahagi ng career ng pop superstar para makamit ang number one spot ay ang paglabas ng kanyang 1989 Album at ang kanyang napakasikat na 1989 World Tour, na natalbugan niya ang touring record ng Rolling Stones sa North America na umabot sa $200 milyon sa buong kontinente papuntang $250 milyon. Kasama rin dito ang kanyang mga sikat na endorsement katulad ng Diet Coke, Keds at Apple.

Ngayong taon ang masasabing pinakamataas niyang kabuang earning sa kanyang career. Halos nadoble ni Swift ngayong taon ang 2015 record niya na $80 milyon.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nalagpasan din ni Swift ang record ng highest-earning female musician at cover story noong 2015 na si Katy Perry na $135 milyon. Ngayong taon, nasa pang-66 si Perry at may earning na $41 milyon.

Pumangalawa sa labanan ng paycheck ng mga celebrity ngayong taon ang top-earning boy band of all time na One Direction na kumita ng $100 milyon, kahit sila ay nasa hiatus stage ng kanilang career ngayon. Nasa pang-21 na spot naman ang ex-boyfriend ni Swift na si Calvin Harris na may $63 milyon.

Bukod kay Swift, pumasok din sa 100 Top-Earning Celebrities ngayong taon ang British singer na si Adele na pang-9 ($80.5 milyon), Queen of Pop Madonna na pang-12 ($76.5 milyon), at RnB singer na si Rihanna na pang-13 ($75 milyon).

Bagamat pang-42 lamang si Kim Kardashian na kumita ng $51 milyon, siya pa rin ang cover ng Forbes Magazine ngayong Hunyo. Ayon sa Forbes, ang karamihan sa kinita ni Kardashian ay nagmula sa kanyang mobile game na Kim Kardashian:

Hollywood. (LORENZO JOSE NICOLAS at HELEN WONG)