Labindalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa Quezon City ang bumulagta sa loob lamang ng 24 na oras, sa pagpapatuloy ng “Oplan Tokhang”.

Dakong 8:00 ng umaga kahapon nang lumaban umano at makipagbarilan sa mga awtoridad ang anim na sinasabing kilabot na tulak ng shabu, sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Novaliches Police sa kanilang hideout sa Kawayan Street, Barangay San Agustin, Quezon City.

Ayon kay Supt. Jericho Baldeo, inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga napatay na suspek.

Nauna rito, napatay naman ang apat na miyembro ng Briones Drug and Carnapping Group matapos na manlaban sa mga pulis na nagsagawa din ng buy-bustoperation sa lungsod, kahapon ng madaling araw.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kinilala ang mga suspek na sina Ignacio Dela Cruz, Earl Javier at dalawa pang nakilala lamang sa mga alyas na Jake at John, na umano’y pawang miyembro ng nasabing grupo.

Dakong 1:15 ng umaga kamakalawa nang mangyari ang isa pang engkuwentro sa Maharlika Avenue sa UP Village.

Napatay din ang sinasabing kilabot na tulak na nakilala lang sa pangalang “Jomong”, matapos makipaghabulan at makipagbarilan sa mga operatiba ng Fairview Police Station sa Bgy. Pasong Putik.

Hindi rin nakaligtas sa kamatayan si Carlito Santos nang manlaban sa pulisya habang isinasailalim din sa buy-bust operation sa Old Samson Road, Bgy. Apolonio. (JUN FABON)