(Reuters) – Naging overnight sensation sa U.S. ang bagong mobile game na Pokemon Go ngunit nagkaroon din ito ng papel sa mga armadong nakawan sa Missouri, pagkakatuklas ng bangkay sa Wyoming at minor injuries sa mga tagahanga na naguguluhan sa app, iniulat ng mga opisyal at media noong Lunes.

Ang “augmented reality” game na ibinatay sa 1990s Japanese franchise ay umakyat sa tuktok ng app charts ng Apple Inc. nitong weekend. Gumagamit ang gamers ng mobile devices para hanapin at hulihin ang mga virtual Pokemon characters gaya ng nakagigil na si Pikachu sa iba’t ibang real-life locations.

Binigyang-diin ang dark side ng popularidad nito, ginamit ng apat na kabataan sa Missouri ang laro para buyuin ang halos isandosenang biktima sa isang lokasyon, tinutukan ng baril at pinagnakawan, ayon sa pulisya.

Nagbabala ang pulisya sa mga manlalaro na maging listo kapag gumagamit ng kanilang smartphones at iba pang mobile devices para hanapin ang mga karakter sa laro.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“We encourage all people playing Pokemon Go to be aware of their surroundings and to play with friends when going to new or unfamiliar places,” paalala naman ng Pokemon Company International at Niantic sa inilabas na pahayag.