Nagpasya ang international tribunal sa The Hague pabor sa Pilipinas noong Martes, idiniin na walang legal basis ang China para angkinin ang mga lugar sa South China Sea na nakapaloob sa idineklara nitong ‘”nine-dash line.”

Ang karapatan na iginigiit ng China sa mga kayamanan sa tubig ng South China Sea ay walang bisa dahil incompatible ang mga ito sa “exclusive economic zone provided for in the United Conventions on the Law of the Seas (UNCLOS).”

Ito ang isa sa mga conclusion ng unanimous Award na inisyu kahapon ng Permanent Court of Arbitration na nakapaloob sa ilalim ng Annex VII ng UNCLOS sa arbitration case na idinulog ng Pilipinas laban sa China.

Napatunayan din ng Tribunal na nanghimasok ang China sa petroleum exploration ng Pilipinas sa Reed Bank, tinangkang pigilin ang mga mangingisdang Pinoy na nangingisda sa loob ng exclusive economic zone ng bansa, at nabigong pigilan ang mga mangingisdang Chinese sa pangingisda sa loob ng EEZ ng Pilipinas sa Mischief Reef (Panganiban Reef) at Second Thomas Shoal (Ayungin Shoal).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang pagkatalo ng China sa malaking international legal case kaugnay sa mga pinag-aagawang reef at atoll sa South China Sea ay inaasahang lalong magpapatindi sa diplomatic pressure ng mundo sa Beijing na umurong nasabing bahagi ng tubig at itigil ang military expansion sa sensitibong lugar.

Ang hatol ng Tribunal ay naglalaman ng serye ng mga batikos sa mga naging aksiyon at pag-aangkin ng China. Idineklara ng korte na “although Chinese navigators and fishermen, as well as those of other states, had historically made use of the islands in the South China Sea, there was no evidence that China had historically exercised exclusive control over the waters or their resources.

“The tribunal concluded that there was no legal basis for China to claim historic rights to resources within the sea areas falling within the ‘nine-dash line’.”

Napatunayan ng UN body na wala ni isa sa mainit na pinagtatalunang Spratly Islands, ang “capable of generating extended maritime zones … having found that none of the features claimed by China was capable of generating an exclusive economic zone, the tribunal found that it could — without delimiting a boundary — declare that certain sea areas are within the exclusive economic zone of the Philippines, because those areas are not overlapped by any possible entitlement of China.”

Napatunayan din ng Tribunal na “China had violated the Philippines’ sovereign rights in its exclusive economic zone by (a) interfering with Philippine fishing and petroleum exploration, (b) constructing artificial islands and (c) failing to prevent Chinese fishermen from fishing in the zone. The tribunal also held that fishermen from the Philippines (like those from China) had traditional fishing rights at Scarborough Shoal and that China had interfered with these rights in restricting access. The tribunal further held that Chinese law enforcement vessels had unlawfully created a serious risk of collision when they physically obstructed Philippine vessels.”

Inaangkin ng Beijing ang 90% ng South China Sea, isang mahalagang bahagi ng karagatan na dinaraanan ng halos $4.5 trillion kalakal ng mundo bawat taon. May kanya-kanya ring lugar na inaangkin ang Vietnam, Malaysia, Brunei, at Taiwan.

Nauuna nang nagpahayag ang China na hindi ito makikilahok sa proseso at hindi rin kikilalanin ang kasong inihain ng Pilipinas. Gayunman nagpasya ang Tribunal na ang pagtanggi ng China na makilahok sa proseso ay hindi nagkakait sa korte ng hurisdiksiyon nito at ang desisyon ng Pilipinas na ituloy ang arbitration kahit wala ang China ay hindi pang-aabuso sa dispute settlement procedures ng convention.

Sinabi ni Prof Philippe Sands QC, kumatawan sa Pilipinas sa pagdinig, na: “This is the most significant international legal case for almost the past 20 years since the Pinochet judgment.” (CNN, The Guardian, AP)