SA bagong pag-aaral na inilathala nitong Lunes, sinabi ng mga siyentista na sa unang pagkakataon ay masusi nilang naidokumento ang isa sa pinakamahahalagang pagbabago sa planeta na epekto ng patuloy na umiinit na klima: Nagbago ang distribusyon ng mga ulap sa iba’t ibang parte ng mundo, ayon sa kanila.

Higit pa rito, nagkaroon ito ng pagbabago sa isang paraan—sa pagpapalawak ng subtropical dry zones, na matatagpuan sa pagitan ng 20 at 30 degrees latitude sa parehong hemisphere, at sa pagtaas ng cloud tops—na pinalala ng global warming.

“As global warming occurs, there’s the expectation that the storm track will shift closer to the pole and the dry areas of the subtropics will expand poleward,” sinabi ni Joel Norris, climate scientist sa Scripps Institution of Oceanography sa University of California, San Diego, at ang pangunahing awtor ng pag-aaral. Ginawa ang pag-aaral kasama ang iba pang mga siyentista sa Scripps, sa University of California sa Riverside, at sa Lawrence Livermore National Laboratory sa Colorado State University.

Inobserbahan ng pag-aaral ang pagbabagong ito, ngunit hindi lamang ang pagbabago ng pagkilos ng bagyo sa dakong hilaga ang epekto nito. Ang tuktok ng mga ulap ay patuloy na tumataas patungo sa atmosphere, paliwanag ni Norris.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“An increase of CO2 leads to cooling of the stratosphere, so it’s cooling down, the troposphere underneath is warming up, and so that means, as the clouds rise up they can rise up higher than they did before,” dagdag ni Norris.

Ang mga bagay na ito na mangyayari sa teorya, base sa pagkakaintindi ng physics sa atmosphere, ay matagal nang inaasahan. Ang mga pisikal na dahilan na inaasahan ay mabilis na naging kumplikado, kasama ang factors tulad ng “Rossby radius of deformation,” at kung paanong nababago ng pag-ikot ng mundo ang landas ng hangin—na tinatawag na Coriolis force, paliwanag ni Norris. Pero ang lahat ng ito ay matagal nang inaasahan base sa mga climate simulation na nakaangkla sa pagkilos ng atmosphere.

Gayunman, metikulosong pinagsama-sama ng pag-aaral ang mga imahe mula sa weather satellites sa pagitan ng taong 1983 at 2009—iwinasto ang maraming palya ng satellites na hindi rin nito maayos ang ginawang pagsusukat sa temperatura ng atmosphere—para ayusin ang pre-existing theory nang may obserbasyon.

“We’re seeing what the climate models think the pattern of cloud change would be,” sabi ni Norris.

Nagtutugma ang mga lokasyon ng karamihan ng climate models at ang karamihan ng satellite records kung paano nagbabago ang kaulapan sa pagitan ng 1980s hanggang 2000s.

Hindi ito nangangahulugan na wala nang ulap ang ibang bahagi ng mundo. Ang pagbabago ay mahalaga sa konteksto kung paano pumapasok sa planeta ang radiation mula sa araw, at kung paano ito umaalis mula sa sistema ng mundo.

(Washington Post)