BEIJING (AFP) – Nagbabala ang Philippine embassy sa China sa mga Pilipino na mag-ingat sa personal “threats” at iwasan ang mga political debate bago ang hatol ng tribunal kahapon kaugnay sa mapait na iringan sa South China Sea/West Philippine Sea.
Naghain ang Manila ng kaso sa international tribunal sa The Hague noong 2013 na humahamon sa China, na inaangkin ang halos kabuuan ng mahalagang karagatan, maging ang mga tubig sa baybayin ng Pilipinas at iba pang nasyon sa Southeast Asia.
Tumanggi ang China – na ang namamahalang Communist party ay gumamit ng nasyonalismo bilang bahagi ng pag-aangkin sa right to rule -- na makibahagi sa mga pagdinig at sumumpang babalewalain ang desisyon nitong Martes.
Sa isang email sa mga mamamayan ng Pilipinas sa China, binalaan sila ng embahada na maging “careful” dahil sa mga tensiyon bago ang arbitration.
Pinayuhan din silang “avoid meetings and public discussions on political issues” and discouraged from joining political discussions or debates “especially on social media networks”, saad sa email na nasilip ng AFP.
Hinimok sila na magdala ng identification papers “at all times” at isumbong ang anumang bantang natanggap sa embahada at sa Chinese police.
Madalas ang mga protesta ng mga makabayan sa China, na minsan ay tahimik na sinusuportahan ng mga awtoridad.
Mahigit 20 Chinese police ang nakaposisyon sa Philippine embassy nitong Martes ng umaga, at marami pa ang nakaantabay sa mga sasakyan sa ‘di kalayuan -- mas malaki kaysa karaniwan -- kasama na ang dalawang truck na puno ng crowd control barriers, isang posibleng indikasyon na inaasahan ng mga awtoridad ang protesta sa gusali.