Apat na Chinese national ang naaresto sa pinagsanib na operasyon ng Philippine National Police-Anti-Illegal Drug Group (PNP-AIDG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) habang nakasakay sa isang barko na natuklasang may shabu laboratory, sa Subic, Zambales, kahapon ng madaling araw.
Nakasamsam ang awtoridad ng kalahating kilo ng shabu mula kina Leung Shu Fook, 49; Kwok Kam Wah, 47; Lo Wing Fat; Chan Kwok, 29 anyos.
Ayon kay Supt. Enrique Rigor, kakasuhan ang mga suspek sa Department of Justice (DoJ) ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).
Sinabi ni Rigor na ang mga suspek ang hinihinalang nagsu-supply ng ilegal na droga sa mga lalawigan sa Ilocos, sa Cagayan at sa Pangasinan.
May lutuan umano ng shabu sa loob ng bark, at kaya nitong makagawa sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.
Kasamang sinamsam ng pulisya ang barko na may hydro machine, na ginagamit sa paggawa ng shabu. (FER TABOY)