SAN MARTIN, California (AP) — Nakamit ni Brittany Lang ang kampeonato ng US Women’s Open golf championship – kauna-unahang major title – matapos patawan ng two-stroke penalty ang karibal na si Anna Nordqvist sa three-hole playoff nitong Linggo (Lunes sa Manila).

“You never want to win with a penalty or something like that happen, especially to Anna, who is a friend of mine and a great player and a classy girl,” pahayag ni Lang, runner-up dito bilang isang amateur, may 11 taon na ang nakalilipas.

“But it’s unfortunate. It’s part of the game and it happened that way,” aniya.

Nagawang ma-par ni Lang ang tatlong hole sa aggregate playoff, habang pinatawan ng dalawang stroke na penalty si Nordqvist nang madaplisan ng kanyang pamalong sand wedge ang buhangin sa kanyang practice swing sa fairway bunker ng ikalawang playoff hole.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hindi sinabi sa player ang penalty hanggat wala sila sa kalagitnaan ng ikatlong hole matapos isagawa ang replay sa huling tirada ni Nordqvist. Sa nakalipas US men’s open pinatawan ng penalty si Dustin Johnson na suwerte namang nakalamang ng tatlong stroke kung kaya’t hindi naapektuhan ang kanyang pagkuha sa titulo.

“Seemed kind of unreal that it happened, but it does,” pahayag ni Nordqvist. “It wasn’t any reason to question it.

But I’m certainly disappointed of the timing of it.”

Tumipa si Lang ng 1-under 71 para sa 6-under 282 sa CordeValle para sa ikalawang panalo sa 287 tournament na nilahukan sa LPGA Tour. Naisalba niya ang laban nang ma-bogey ang 17th hole bago tuluyang nanindigan para sa titulo sa edad na 30.